Paano kumuha ng Philippine Passport 2018?

No idea kaba sa pagkuha ng Philippine passport ngayong 2018?, well ang article na ito ay napakadaling sundan kung paano kumuha ng Philippine passport 2018.

Tips and tutorial kung paano kumuha ng philippine passport 2018

Bago tayo mag start sa topic natin, may good news lang ako para sa mga hindi pa nakakaalam. Alam mo ba na ngayong darating na January 2018, The validity of Philippine passports will be extended to 10 years? at ang maganda pa ay no additional cost to passport holders and applicants, ayon yan kay Foreign Secretary Alan Cayetano.

Ok mag start na tayo.

Kung ikaw ay first time na kukuha ng Philippine Passport, at wala kang idea kung anong mga dapat mong malaman sa pag process nito o kung paano kumuha nito.

Well,

Tama ang blog na pinuntahan mo, dahil dito ituturo ko sayo ang tamang paraan kung paano kumuha ng Philippine passport.

Bago ang lahat gusto ko lang muna i share ang experience ko nung first time ko lang kumuha ng Philippine passport, kasi malay mo ganito din ang problema mo, at least alam mo na ang gagawin mo kung parehas tayo ng problema.

So ito na nga ang nangyari sakin.

Noong nag-aral ako mula Kinder hanggang elementary, at dahil nga nasa province kami nakatira, at ang lola at lolo ko ang nag-aalaga sa akin, dahil nasa maynila ang mama ko nagtatrabaho, walang idea ang lola at lolo ko na ang name ko na "Caroline" ay walang E sa dulo ng birth certificate ko. Huli na nung nalaman namin na sa NSO birth certificate ko pala ay "CAROLIN" yong name ko. Sa madaling salita malaking problema yan kapag kukuha ka ng Government ID, lalo na ang Passport, kasi ang susundin ng DFA branch ay yong nasa NSO birth certificate mo. Kapag ipipilit ko na ang susundin ay yong nakasanayan ko na "CAROLINE" with E. Malaking problema yon, marami akong aayosin kapag pinilit ko daw yan. Kaya ang ginawa ko ay sinunod ko nalang kung ano ang nakalagay sa NSO birth certificate ko.

Hindi ko na pahahabain yong kwento ko hehe.

Continue tayo.

Ano ba ang mga Steps para makakuha ng Philippine Passport 2018?


Bago ka pumunta ng DFA, kailangan mo muna mag pa appointment, dahil kung wala kang appointment, hindi ka makakakuha ng passport.

PAANO Mag pa appointment?


Kailangan mo punta dito sa official website nila na http://www.passport.com.ph , kapag nasa website kana, i-click mo lang ang passport then click mo ang schedule an Appointment.

Fill up mo yong form dyan sa website nila, then kapag nakapag set kana ng appointment, may marereceive kang message sa email mo. May nakalagay sa message na kailangan mo i-confirm ang appointment mo. Kapag na confirm mo na, kailangan mo naman ngayon i-download ang Appointment form, kasama rin yan dun sa message na pinadala nila sayo sa email mo.

Dapat may printer ka sa bahay nyo, pero kung wala  naman kayong printer, i-save mo ang appointment form sa USB mo kung meron or kung wala ka naman USB, pumunta ka sa malapit na computer shop na may printer, and make sure na yong size ng bond paper ay "A4" size.

Doon sa appointment form mo, nandoon ang date kung kailan ka pupunta sa DFA branch kung saan ka nag pa appointment. Dapat umalis ka ng bahay nyo ng mas maaga bago ang oras ng appointment mo.

Narito ang mga steps na dapat mong gawin kapag nasa DFA kana


1. Verification: ipapakita mo dito ang appointment form mo, and make sure na dala mo yan.

2. Processing: may pila dyan, kaya kailangan mo pumila, at i ready mo lahat ng documents mo. Kapag tinawag kana sa window processing, i-checheck nila ang mga documents mo, kapag nakita nila na walang problema. May pipirmahan ka dun, ilalagay mo yong Complete Name, Phone number etc. At Pipili ka kung New or mag re-new ng passport.

At pipili ka kung P950 or P1200 ang babayaran mo. Bakit magkaiba sila ng price?. Ang P1200 ay kung ipaparush mo ang passport mo, nasa 7 to 10 days bago mo makuha. Pero kung P950 o regular ang pipiliin mo, 15 days pataas ka maghihintay bago mo makuha ang passport mo.

Ano ba yong mga documents na kailangan sa pagkuha ng Philippine passport?

  • Government ID, katulad ng UMID, Driver License, Etc. Magdala ka ng isang Valid ID at dalawang supporting documents.

Noong kumuha ako ng Philippine passport, ito ang dala ko

  • Nagdala ako ng isang valid ID at ang valid ID na dala ko ay UMID.
  • NSO Birth Certificate ( Na may problema sa First name) Importante yan
  • NBI clearance (Expired).
  • Driver License (Expired).

Kailangan i-pa Xerox mo lahat yan.

At kung meron ka nito dalhin mo na rin

  • FORM 137
  • VOTERS ID
  • SCHOOL ID

3. Cashier: alam mo na siguro yan kapag nasa cashier kana hehe, kailangan mo na bayaran ang pinili mo, kung regular ang pinili mo, magbabayad ka ng P950 kung pina rush mo naman ang passport mo, magbabayad ka ng P1200.

4. Encoding: pipila ka ulit dito, at kapag tinawag kana, ipakita mo ulit ang mga documents mo. At dito sa encoding window, dito ka nila pipicturan para sa passport mo.

Take note: tanggalin mo ang hikaw, Sun glass etc. At Para naman sa mga babae, nakalabas dapat ang tenga, hindi dapat natatakpan ng buhok.

5. Courier: dito naman sa window na ito, nasa sayo kung gusto mo ba ipa-deliver sa bahay nyo ang passport mo, mag babayad ka dito ng P150.

And That's it, ganyan lang kadali kumuha ng Philippine passport. Sana kahit papaano ay nakatulong sayo ang article na ito. Maraming salamat po!

COMMENTS

BLOGGER
Name

ABL,4,Alab Pilipinas,3,Basketball,8,blue moon,1,blue moon 2018,1,Bluehost 2018,1,Business,1,Charice Pempengco,1,Freelancer,1,Health,1,Jake Zyrus,1,Lifestyle,13,lunar eclipse,1,News,23,Online Jobs,1,Others,1,Paymaya Virtual Card,1,Paypal and Paymaya,1,Sexual Preference,2,Showbiz,14,Sports,16,super blue blood moon,1,Travel,1,Tutorial,5,Web hosting 2018,1,Work From Home,1,
ltr
item
Today in Philippine history: Paano kumuha ng Philippine Passport 2018?
Paano kumuha ng Philippine Passport 2018?
No idea kaba sa pagkuha ng Philippine passport ngayong 2018?, well ang article na ito ay napakadaling sundan kung paano kumuha ng Philippine passport 2018.
https://4.bp.blogspot.com/-8QWj-PzJSO8/WkUstz8VXaI/AAAAAAAAYAA/I1wgsO-OkvsdFi1I0id-UiQ99efbLwGSgCLcBGAs/s1600/Passport_PH_guhit-pinas.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-8QWj-PzJSO8/WkUstz8VXaI/AAAAAAAAYAA/I1wgsO-OkvsdFi1I0id-UiQ99efbLwGSgCLcBGAs/s72-c/Passport_PH_guhit-pinas.jpg
Today in Philippine history
http://www.todayinphilippinehistory.com/2018/01/paano-kumuha-ng-philippine-passport-2018.html
http://www.todayinphilippinehistory.com/
http://www.todayinphilippinehistory.com/
http://www.todayinphilippinehistory.com/2018/01/paano-kumuha-ng-philippine-passport-2018.html
true
3447700676572692569
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy